Sir Juan (13)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - October 25, 2015 - 10:00am

“DAPAT po ga-graduate na ako kaya lang namatay ang mga magulang ko,” sabi ni Mahinhin. “Lumubog ang sinasakyan nilang barko na patungong Mindoro. Mula noon ako na lamang ang nagpapaaral sa sarili. Wala naman kasi silang naiwan na kabuhayan sa akin.’’

“May mga kamag-anak ka pa?’’

“Meron po pero mahirap din ang buhay nila.’’

“Sabi mo working student ka.’’

“Opo.’’

“Anong work mo?’’

“Sa pabrika po. Panggabi ako.’’

“Sa araw ka nag-aaral?’’

“Opo.’’

‘‘Anong course mo nga?’’

“Business Ad po.’’

“Baleng anong year ka na?’’

“Third year irregular po.’’

Napatangu-tango si Juan.

‘‘Sige iyon lang naman ang itatanong ko sa iyo. Sorry nga pala kanina Mahinhin. Hindi ko alam na nagbibihis ka.’’

“Okey lang po. Hindi ko kasi naisara ang pinto.’’

‘‘Sige Mahinhin.’’

‘‘Teka po Sir ! Ano po ang pangalan mo?’’

‘‘Juan. Ang tawag ng mga boarder sa akin ay Sir Juan,’’

“A Sir Juan pala. E teka po magkano nga po pala ang renta rito?’’

Sinabi ni Juan ang renta at pati na ang downpayment.

‘‘Sandali po at kukuha ako ng pera.’’

‘‘Maski mamaya na. Tapusin mo na ang pag-aayos sa kuwarto mo.’’

‘‘Hindi po! Ngayon na po Sir Juan.’’ Sabi ni Mahinhin at kinuha sa bag ang perang pambayad sa renta. Nagbilang ito ng pera habang nakatalikod. Pagharap ay binayaran si Juan.

“Eto na po ang bayad sa renta, Sir Juan.’’

“Baka kakapusin ka? Puwede namang sa susunod ang bayad. Yung ibang boarders na kinakapos ay ganyan ang pakiusap.’’

‘‘Hindi po! Meron po akong nakahandang pambayad, Sir Juan. Salamat po sa pag-aalok.’’

Iniabot ni Mahinhin ang bayad. Kinuha ni Juan.

“Sige, salamat. Sana ay maging maayos ka sa kuwarto. Kapag may kailangan ka, sabihin mo sa akin.’’

“Opo. Salamat po uli.’’

Napangiti si Juan.

(Itutuloy)

A SIR JUAN ACIRC ANG ANONG BUSINESS AD JUAN MAHINHIN MERON OPO SABI SIR JUAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with