^

Kaaway ng bayan

ANGHANG TAMIS - Adong Hagupit (Pang-masa) - October 17, 2015 - 10:00am

Mga pulitikong naluklok sa bayan

Masdan mong mabuti at bundat ang tiyan;

Buhay at salapi nitong sambayanan

Kinakamkam nila at nagpapayaman

 

Habang nasa puwesto’y walang ginagawa

Kung hindi magnakaw ng mga biyaya;

Sa kanyang tungkulin ay nagpapabaya

Animo’y alamid at gutom na linta!

 

Di ang pulitiko pati na opisyal’

Ari ng gobyerno ang kinakalakal;

Habang nakaupo sa silyang magalaw

Ay gumagalaw din ang isipa’t kamay!

 

Malaki ang bahay may magarang kotse

Hindi nahihiya na ipagmalaki;

Gayong ninakaw lang walang sabi-sabi

Sa kaban ng bayan na namumulubi!

ACIRC ANG ARI BUHAY GAYONG HABANG KINAKAMKAM MALAKI MASDAN MGA NBSP
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with