^

Police Metro

LPG store sinunog ng helper: 3 natusta

Doris Franche-Borja - Pang-masa
LPG store sinunog ng helper: 3 natusta
Firefighters responded to a first alarm fire that hit a residential area along Durian Street in Barangay Pasong Tamo, Quezon City on April 12, 2026
Photos courtesy of Brgy. Tandang Sora Fire Brigade/Fire and Rescue Alert Responders

MANILA, Philippines — Nasawi ang tatlong katao habang da­lawa ang sugatan kabilang ang helper na nanunog ng tindahan ng LPG, kahapon ng mada­ling araw sa Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.

Kinilala ang mga nasawi na sina Mary Jane Dongallo Orano, 49; alyas “CL”, 11, Grade 3 pupil at alyas “TL”, 9, Grade 3 pupil habang ginagamot sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang negosyanteng si Adriano Leonoras, 56, may-ari ng Adriano LPG store, sa Brgy. Pasong Tamo, at suspek na si Joross Improgo, 21, na stay-in helper

Bago nangyari ang insidente, alas-3:50 ng madaling araw sa loob ng Adriano LPG store sa 15-C Durian St. Area 7, Brgy. Pasong Tamo, ­Quezon City ay nagkaroon ng pagtatalo si Leonoras at Improgo na nasa impluwensiya ng alak sa hindi pa malamang dahilan.

Ayon sa mga saksi nagbitaw pa ng salita ang suspek ng “PAPASIRITIN KO TONG MGA GASUL AT SUSUNUGIN KO TONG BAHAY NA ITO!!”.

Ilang sandal ay isang malakas na pagsabog ang nangyari at kumalat ang apoy at nadamay dalawang katabing bahay.

Agad namang rumes­ponde ang BFP-QC at QCDRRMO kung saan idineklarang fire out ang sunog, alas-4:39 ng madaling araw at narekober ang sunog na katawan ng tatlong nasawi.

Nagtamo naman ng 3rd degree burn sina Leonoras at Improgo. Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa kaso.-

LPG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with