21 elementary pupils nalason sa imported chocolate

MANILA, Philippines — Dalawampu’t isang mag-aaral sa elementarya ang naratay sa pagamutan matapos ang mga itong ma-food poisoning sa kinaing expired na imported na tsokolate sa isang elementary school sa Talisay City, Negros Occidental, kamakalawa.
Sa ulat na nakarating sa Office of Civil Defense (OCD) Western Visayas Region, ang mga biktima ay mga mag-aaral sa Bubog Elementary School sa nasabing lalawigan.
Ayon sa imbestigasyon, nangyari ang insidente, alas-8 ng umaga nang kumain ng naturang tsokolate ang mga elementary pupils mula sa Grades 3-5 ng nasabing eskuwelahan.
Sa imbestigasyon, isa sa mga magulang ng mga bata ang nagdala ng mga imported na tsokolate na nabili umano nito sa isang vendor sa Metro Manila at ipinagbenta naman sa mga elementary pupils sa nasabing eskuwelahan.
Gayunman, ilang oras matapos na makain ang tsokolate ay dumanas ng matinding pagkahilo, pagsusuka, pananakit ng tiyan, diarrhea ang mga batang estudyante bunsod upang isugod sa Talisay City Health Office.
Nang suriin ng mga health officials ang kinaing imported na tsokolate ng mga bata at dito’y nakita ang isang bar na hindi pa nakakain ng isa sa mga bata na Setyembre 17, 2024 pa ang expiration ng nasabing tsokolate.
- Latest