^

Police Metro

Mga Pinay target ng ‘summer fling scam’

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagbabala si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco sa publiko laban sa mga con artists na gumagamit sa pangalan ng kanilang ahensiya upang makapanloko ng pera sa summer fling scam na target ay mga Pinay.

Ginawa ni Tansingco ang babala matapos na makatanggap ang BI ng request for verification mula sa isang Pinay na ang American partner, ay sinasabing pinipigil sa paliparan ng mga otoridad noong Mayo 15.

Batay sa impormas­yon, sinasabing ang naturang American partner ng Pinay ay pinagbabayad umano ng BI ng P40,000 bilang penalty matapos na dumating sa bansa na may dalang undocumented foreign currency sa kanyang bagahe, na lampas sa pinahihintulutang legal amount.

Nakatanggap din umano ang BI ng isang request for verification mula sa isa pang Pinay na ang Korean partner ay inaresto umano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), sa kapareho ring kadahilanan.

May isang peke pa umanong BI Facebook account ang nagpadala ng mensahe sa isang Pinay na nanghihingi ng kabayaran na 350 USD bilang multa.

Paglilinaw naman ni Tansingco, ang immigration ay hindi nakikialam sa mga incoming currency o bagahe, kaya’t ang naturang kautusan ay isang scam lamang.

vuukle comment

SCAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with