^

Police Metro

Pag-amiyenda sa rice tariffication law, sesertipikahang urgent ni Marcos

Gemma Garcia - Pang-masa
rice
File photo shows different types of rice displayed on shelves.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Sesertipikahang urgent ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang hakbang para amiyendahan ang Rice Tariffication law, partikular ang probisyon na nagpapalawig sa Rice Competitiveness Enhancement Fund o Rice Fund.

Sinabi kahapon ng Pangulo na sa ngayon ay walang kontrol ang National Food Authority (NFA) sa presyuhan ng bigas kaya tumataas ang presyo ng bigas sa mga pamilihan.

Nagpapaligsahan aniya ang mga trader sa pagbili ng mataas na presyo ng palay at walang kontrol ang gobyerno kaya dapat na magawan ito ng paraan.

Sa ilalim ng Rice Tari­ffication Law, nalisan ng kapangyarihan ang National Food Autho­rity na bumili ng palay at mag-imbak ng reserba kaya ang mga rice trader ang bumibili ng palay sa mga magsasaka at sila rin ang nagtatakda ng presyo kaya mataas ang presyo ng bigas.

Kabilang din sa nais amiyendahan sa Rice Tariffication Law ay ang pagpapalawig pa sa Rice Enhancement Competi­tiveness Fund o Rice Fund ng hanggang 2030 kung saan P10 billion kada taon ang ginagamit na pondo para mas maraming matulungang magsasaka ang gobyerno.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with