Babaeng opisyal ng BARMM todas sa ambush
MANILA, Philippines — Isang babaeng logistics management officer ng Bangsamoro social services ministry ang nasawi nang pagbabarilin sa naganap na ambush sa Barangay Semba, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang nasawing biktima na si Christhia Angela Aragoncillo, 26, habang nasugatan ang kanyang kaopisina na si Norhana Ado.
Sa ulat, minamaneho ni Aragoncillo ang kanyang sasakyan kasama si Ado pauwi mula sa trabaho nang tambangan ng mga armadong suspek sa isang bahagi ng highway sa Barangay Semba.
Inatasan ni Police Brig. Gen.Prexy Tanggawohn, director ng PRO-BAR, ang Datu Odin MPS na makipag-ugnayan sa mga opisyal ng MSSD-BARMM at barangay government ng Semba sa paglutas ng naturang krimen na pinaniniwalaang may kaugnayan sa mataas na puwesto ni Aragoncillo sa kanyang tanggapan.
- Latest