Government agencies inatasan ni Marcos na magtipid ng kuryente
MANILA, Philippines — Inatasan ng Malacañang ang lahat ng mga tanggapan ng gobyerno na sumunod sa itinakdang mga panuntunan sa pagtitipid sa konsumo ng kuryente.
Ang direktiba ay mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos maglabas ng abiso ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng red alert at yellow alert sa Luzon at Visayas Grid.
Ipinaaala ng Pangulo na sundin ang nauna nang inilabas ng Palasyo na mga paraan ng pagtitipid sa mga tanggapan kasama na rito ang pagbawas sa paggamit ng mga kagamitan sa mga opisina.
Sa ilalim ng direktiba ng Pangulo, lahat ng mga tanggapan ng gobyerno ay dapat magbawas ng konsumo ng kuryente at langis ng 10 percent sa pamamagitan ng paglalagay sa 24 degrees celcius sa temperatura ng air conditioning units, pagpatay ng ilaw at AC units kapag walang gumagamit at ilagay sa sleep settings ang mga kagamitan sa mga opisina.
- Latest