Pangulong Marcos: Hindi kikilalanin anumang aksyon ng ICC
MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang pagharap sa grupo ng mga mamamahayag sa Manila Hotel na walang aasahan ang International Criminal Court (ICC) sa Pilipinas sakaling maglabas ng warrant of arrest laban kay dating pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa isyu ng umano’y extra judicial killings na isinampa laban sa dating presidente.
Ayon sa Pangulo, hindi kinikilala ng Pilipinas ang ICC kaya walang tulong na aasahan ang mga ito.
Sinabi ni Pangulo na maaari lamang pumasok ang ICC kung ang isang bansa ay walang kaayusan at hindi gumagana ang sistema ng hustisya o ng law enforcement.
Binigyang-diin ni Pangulo na gumagana ang hudikatura sa bansa gayundin ang pwersa ng pulisya kaya walang dahilan para manghimasok sila sa Pilipinas.
Makailang ulit ng inihayag ni Pangulong Marcos Jr. na walang hurisdiksiyon ang ICC sa Pilipinas at hindi kikilalanin ito ng gobyerno kaugnay sa kasong isinampa laban sa dating presidente.
- Latest