Ex-Ombudsman Gutierrez ‘di kuwalipikadong umupo sa Board - GSIS prexy
MANILA, Philippines — Hindi umano kuwalipikadong umupo bilang trustee ng Government Service Insurance System (GSIS) si dating Ombudsman Merceditas Gutierrez dahil hindi ito miyembro ng government insurer noong siya ay i-appoint noong Abril 2023.
Sa isang sulat kay Executive Secretary at dating Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin na may petsang Abril 11, 2024, ipinaalam ni GSIS President at General Manager Jose Arnulfo Veloso ang resulta ng pagsusuring ginawa ng GSIS na nag-ugat sa isang reklamo laban kay Gutierrez na ipinadala sa pamamagitan ng isang anonymous email.
Sinabi rito na ang appointment ni Gutierrez ay hindi sumunod sa mandatory qualifications na nakasaad sa GSIS Charter (RA No. 8291) ng italaga ito sa GSIS Board.
Inilakip ni Veloso ang isang timeline ng mga pangyayari. (1) Marso 28, 2024 – Nakatanggap ng anonymous email ang GSIS kaugnay ng kuwalipikasyon ni Gutierrez nang ito ay italaga sa GSIS Board.(2) Abril 1, 2024 – Hiniling ni Veloso ang GSIS’ Core Business Sector (‘CBS’) ang kopya ng rekord ni Gutierrez (3) Abril 2, 2024 – Hiniling ni Veloso sa Legal Services Group (‘LSG’) ng GSIS na pag-aralan ang isyu.(4)Abril 8, 2024 – Natanggap ng opisina ni Veloso ang legal study/briefer kalakip ang mga dokumento at executive summary ng isyu. Si Gutierrez ay miyembro ng GSIS Board na kumakatawan sa legal profession.
- Latest