4 miyembro ng pamilya, patay sa sunog
MANILA, Philippines — Isang mag-asawa na senior citizen at dalawa nilang anak ang nasawi nang masunog ang kanilang bahay sa Brgy. Talon Dos, Las Piñas City, kahapon ng madaling araw.
Batay sa panayam kay Fire Officer 2 Ligaya Valerio, ng Bureau of Fire Protection (BFP) Las Piñas, apat ang nasawi ay kinilalang sina Nicanor Isip, 73; misis niya na si Ma. Elena, 73; mga anak na sina Michelle Angela, 45; Michael Angelo, 35, pawang residente ng No. 310 Peach St., Camella Homes I and II, ng nasabing barangay.
Nagtamo ng abrasions at lacerations sina alyas “Neil” at alyas “Kyla”.
Sa ulat ng Las Piñas, nagsimula ang sunog alas-2:38 ng madaling araw na umakyat lang sa unang alarma at naapula alas-4:36 ng madaling araw.
Tinatayang aabot sa P7.5 milyon ang halaga ng napinsala. Inaalam pa ang sanhi ng sunog.
- Latest