^

Police Metro

P6.8 milyong shabu samsam sa Quezon City buy-bust, 5 timbog

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umiskor ang mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos na makasamsam ng may P6.8 milyong halaga ng shabu sa limang hinihinalang “tulak” sa `isinagawang buy-bust ope­ration sa Quezon City nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Rohaida Mariga, 29; Edilyn Ico, 26;  Farjana Dumarang, 24; Roxanne Cunanan, 24; at Noraisa Mariga, 24, na pawang nagmula sa lalawigan ng Bulacan at Bataan.

Nabatid na nakipagkasundo ang mga suspek sa PDEA agents na nagpanggap na mga buyer,  na makipagkita sa nasabing lungsod para sa transaksyon.

Sakay ng Toyota Avanza ang mga suspek nang dumating sa Quezon City Memorial Circle at dakong alas-7:55 ng gabi sa gitna ng tansaksyon sa operatiba ng PDEA ay ­inaresto sila at kinum­piska ang dalang isang kilo ng pinaniniwalaang shabu at marked money.

Kinumpiska rin ang 5-cellphones ng mga suspek at isang passbook na may nakaipit na transaction slip.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with