^

Police Metro

Barangay chairman itinumba, kagawad sugatan

Joy Cantos - Pang-masa
Barangay chairman itinumba, kagawad sugatan
Kinilala ang nasawi na si Patricio Laude, 60 taong gulang, chairman sa nasabing barangay. Siya ay dead-on-the-spot sa insidente matapos na masapol ng mga tama ng bala sa katawan habang sugatang isinugod sa pagamutan si Kagawad Christopher Casimong, 45, ng nasabi ring barangay.
File

MANILA, Philippines — Patay ang isang barangay chairman habang sugatan ang kasamang brgy. kagawad matapos silang pagbabarilin ng nag-iisang gunman sa Brgy. Catmon, Ormoc City, Leyte nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Patricio Laude, 60 taong gulang, chairman sa nasabing barangay. Siya ay dead-on-the-spot sa insidente matapos na masapol ng mga tama ng bala sa katawan habang sugatang isinugod sa pagamutan si Kagawad Christopher Casimong, 45, ng nasabi ring barangay.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 8, habang nag-uusap ang da­lawa sa harapan ng tahanan ni Casimong kaugnay ng clean-up drive sa kanilang barangay upang maisayos ang pagtatapon ng basura nang biglang sumulpot ang salarin.

Armado ng hindi pa natukoy na kalibre ng baril ay bigla na lamang pinagbabaril ng suspek ang dalawa kung saan napuruhan ang tserman na sinasabing kanyang target.

Duguang bumulagta at agad nasawi ang tserman habang mabilis na tumakas ang ‘di kilalang suspek na sinamantala ang pagka­kagulo ng mga tao sa lugar. 

Agad namang isinugod sa pagamutan ang kagawad at patuloy pang nagpapagaling sa sugat na tinamo sa pamamaril.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with