Bilang ng mga Filipino na umaasa na bubuti ang buhay nabawasan
MANILA, Philippines — Bumaba sa 44% ang bilang ng mga Pinoy na umaasang gaganda ang buhay sa susunod na 12 buwan batay sa latest Social Weather Stations (SWS) survey na isinagawa noong December 8 hanggang December 11, 2023.
Ang naturang percentage ay mas mababa sa 48% Pinoy na umasa na gaganda ang buhay sa ginawang survey noong September 2023.
Sa naturang survey, lumabas din na may 44% ng mga Pinoy ay nagsabing ang klase ng kanilang buhay ay pareho rin o walang ipinagbago at ang 5% Pinoy ay nagsabing lumubha ang buhay at 7% naman ang walang sagot sa survey.
Nagresulta ito ng net personal optimism score na +39 o “excellent.”
Ayon sa SWS survey, ang net personal optimism ay nananatiling “excellent” sa Luzon areas sa labas ng Metro Manila.
Pumalo naman ang net personal optimism sa +27 sa Visayas, +43 sa Mindanao at . +47 sa NCR.
Lumabas din sa survey na ang net personal optimism ay “excellent” sa mga junior at senior high school graduates o doon sa mga nag-college.
“Very high” naman sa mga graduated sa college o nag-postgraduate studies. Ang personal optimism ay nagtala ng “very high” sa mga elementary graduates.
Ang survey ay ginawa ng face-to-face interviews sa 1,200 adults na may margin of error na ±2.8% para sa national percentages at ±5.7% para sa regional breakdown.
- Latest