Motorcycle rider todas sa salpok ng trak
MANILA, Philippines — Namatay noon din ang 29-anyos na rider nang makasalpukan ang truck nang ito umano’y aksidenteng mag-counter flow kahapon ng madaling araw sa Taguig City.
Kinilala ang nasawi si alyas Joel, kitchen staff at residente ng Taguig City.
Habang nasa kustodiya ng pulisya ang driver ng rebuilt forward truck na si alyas Jeffrey, 39 na sasampahan ng reklamong Reckless Imprudence Resulting in Homicide.
Sa ulat, bago naganap ang aksidente, alas-3:54 ng madaling araw sa tapat ng isang condominium, sa Barangay Cembo, Taguig City ay minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo nang lumagpas ito sa kaniyang binabaybay na lane at nasalpok sa opposite lane kung saan ay paparating ang truck.
Tumilapon ang biktima sa sementadong kalye na nagtamo ng matinding pinsala at dinala sa ospital,subalit idineklarang dead on arrival.
- Latest