^

Police Metro

Pokwang pinaboran ng BI: mister idedeport, blacklisted

Danilo Garcia - Pang-masa
Pokwang pinaboran ng BI: mister idedeport, blacklisted
Pokwang
STAR/ File

MANILA, Philippines — Natuwa ang aktres at komedyanteng si Pokwang o Marietta Subong matapos siyang paboran ng Bureau of Immigration (BI) sa inihaing petisyon laban sa dating asawang si William Lee O’Brian.

Sa 8-pahinang reso­lusyon ng BI nitong Dis­yembre 12, ipinag-utos ang deportasyon ni O’Brian dahil sa mga paglabag. Inilagay rin siya sa immigration blacklist, kinansela ang kaniyang “employment visa” at naglabas ng Warrant of Deportation laban sa kaniya.

Nakasaad sa resolu­syon na nilabag ni Lee ang panuntunan ng kaniyang pananatili dahil sa aktibo niyang pagkakasangkot sa mga pelikula, programa sa telebisyon at teatro mula 2016 hanggang 2023.

Ang resolusyon ay nilagdaan ng lahat ng tatlong miyembro ng Board of Commissioners na sina Commissioner Norman Tansingco, Deputy Commissioner Joel Anthony Viado, at Deputy Commissioner Daniel Laogan.

Inihain ni Pokwang ang deportation case laban kay Lee nitong nakaraang Hunyo dahil sa mga reklamong pang-aabusong pinansyal, intimidasyon, at pag-abandona sa kanilang anak na babae na si Malia.

Isinumbong din niya na nagagawang ma-renew ni Lee ang kaniyang tourist visa sa kabila na nagtatrabaho siya bilang isang aktor sa bansa.

vuukle comment

BI

POKWANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with