^

Police Metro

2023 Seal of Good Local Governance award nasungkit ng Polangui, Albay

Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasungkit ng bayan ng Polangui sa lalawigan ng Albay ang “2023 Seal of Good Governance award” at isa sa iilang bayan sa rehiyon ng Bikol.

Ipinahayag kamakailan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga nanalo ng “2023 Seal of Good Governance award at isang liham kamakailan ay binati at pinuri ni Secretary Benhur Abalos si Polangui Mayor Raymond Adrian E. Salceda sa karangalang nabuslo ng kanyang bayan.

“Sa 1, 715 LGUs na sumailalim sa masusing pagsusulit ng aming lupon, ang bayan ng Polangui ay isa sa ilang nakatugon sa matinding mga pamantayan ng ating karangalang ‘SEAL.’ Kami sa ‘Council of Good Local Governance,’ ay lubhang natutuwa at humahanga sa nasaksihan naming pagsusumikap ninyong pagtugon sa mga hamon, at maging ‘halimbawa ng tapat at mahusay na pamahalaang local,’” madiing pahayag ni Abalos.

Tatanggapin ni Mayor Salceda ang parangal para sa kanyang bayan sa ‘2023 SGLG Awarding Ceremonies’ sa Disyembre 15, Manila Hotel. Si Mayor Salceda ay anak ni Albay 2nd Dist. Rep. Joey Sarte Salceda, na kilala rin bilang huwarang opisyal ng gobyerno.

vuukle comment

BICOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with