^

Police Metro

Kotse niratrat, 3 sakay patay

Ludy Bermudo - Pang-masa
Kotse niratrat, 3 sakay patay
Tadtad ng bala ang salamin ng kotseng ito na nakabalandra sa kalsada sa harapan ng LRT Depot Gate sa Pasay City na kung saan ang tatlong sakay nito kabilang ang isang babae ay nasawi matapos silang pagbabarilin kahapon ng madaling araw.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang tatlong biktima nang tadtarin ng bala ang kotse ng kanilang sinasakyan ng dalawang lalaki sa naganap na ambush sa Don Carlos Village, Pasay City, kahapon ng mada­ling araw.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Philip Jay Magdamit Tan, residente ng Manghinao Proper, Bauan, Batangas; Ri­chard Kevin De Guzman Delos Reyes, 34, ng San Roque, Bauan, Batangas; at Lilian Marasigan Tan, nasa hustong gulang at residente ng Tabon-tabon, Baco, Oriental Mindoro.

Sa salaysay ng ilang testigo, sakay ng kulay puting Honda Civic na may plakang BCX-860 ang tatlong biktima, halos isangdaang metro ang layo galing ng Airport Road, Pasay City papasok ng Don Carlos Village, alas-12:30 ng madaling araw nang paulanan ng bala ng dalawang suspek na kapwa naka-bonnet.

Tinitingnan ng mga otoridad ang anggulo na katransaksyon ng mga biktima ang mga suspek dahil bukas ang bintana sa bahagi ng driver’s side.

May posibilidad din umanong first time ng mga biktima sa lugar dahil sa paggamit ng WAZE.

Sinikap din umano ng driver na matakasan ang mga suspek kaya bumangga ito sa gawing kaliwa ng kalsada malapit sa ilog, at nagtamo rin ng mga tama ng bala ang likuran ng kotse at sa kaliwang bintana sa likod na kinauupan ng isa pang lalaking biktima.

Nasa 20 basyo ng bala mula sa kalibre .45 baril ang nakalap sa crime scene habang nakuha sa loob ng sasakyan ng mga biktima ang isang caliber .45 na baril at isang sachet ng hinihinalang shabu sa biktimang si Tan.

Blangko naman ang mga imbestigador sa motibo ng pamamaslang at inaaalam pa kung may nakuhang footages ang alinmang closed circuit television camera sa lugar malapit sa gate ng depot ng LRT-1.

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with