^

Police Metro

Barangay Chairman, misis todas sa ambush

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang isang barangay captain at misis nito matapos na pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa naganap na ambush, kamakalawa ng hapon sa Parang, Ma­guindanao Del Norte.

Kinilala ang mga nasawi na sina Pollo Brgy. Chairman Abubacar Abdul at misis nito na si Baisa Abdul.

Sa pagsisiyasat ng Parang Municipal Police Station, alas-5:30 ng hapon ng maganap ang ambush sa Narciso Ramos Highway ng Sitio Timbangan, Brgy. Sarmiento, ng nasabing bayan.

Nabatid na sakay ang mag-asawa ng isang kulay puting Toyota pickup (DAQ 4412) na minamaneho ni Abubacar nang biglang harangin at pagbabarilin ng  mga kalalakihang armado ng kalibre 45 pistola.

Nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa katawan ang mag-asawa habang ligtas naman ang barangay secretary.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo nang matunugan nila na nagresponde ang mga sundalo at pulis.

vuukle comment

AMBUSH

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with