^

Police Metro

CJ protektado ang mga huwes sa bansa

Danilo Garcia - Pang-masa
CJ protektado ang mga huwes sa bansa
Chief Justice Alexander Gesmundo

MANILA, Philippines — Gagawin ng Korte Suprema ang lahat ng makakaya nito upang maprotek­tahan sila sa anumang banta sa kanilang buhay at panggigipit.

Ito ang tiniyak ni Chief Justice Alexander Gesmundo sa mga hukom sa buong bansa matapos silang magdesisyon ng kanyang mga kasamahan sa kataas-taasang hukuman noong Martes na pag-aralan kung ano ang maaaring maging­ parusa laban kay dating National Task Force to End Local Communist Armed Conflict spokesperson Lor­raine Badoy dahil sa di-uma­no’y pag-redtag at panggigipit nito kay Manila Regional Trial Court Judge Marlo Magdoza Malagar.

Nag-ugat ang sinasabing aksiyon ni Badoy laban kay Malagar matapos iba­sura ng hukom ang petis­yon ng Department of Justice (DOJ) na ideklarang mga teroristang grupo ang Communist Party of the Philippines (CPP) at ang armadong puwersa nito na New People’s Army (NPA).

Sa kanyang pagsasa­lita sa Annual Convention of the Metropolitan and City Trial Judges Association of the Philippines (METCJAP) sa Boracay Island, Aklan noong Huwebes, binigyang-diin ni CJ Gesmundo na seryoso ang judicial branch ng pa­mahalaan sa pagtiyak sa kaligtasan ng mga hukom na itinuturing na nangu­nguna sa paghahatid ng hus­­tisya sa mga mamamayan at lipunan.

Nagbabala rin ang Korte Suprema na papatawan ng contempt ang sinuman na hindi titigil sa paglalagay sa panganib sa mga buhay ng mga huwes at kanilang pamilya sa pamamagitan ng pag-redtag, paninira at panggigipit.

SUPREME COURT

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with