^

Police Metro

Unang Cabinet meeting ni Marcos umarangkada na

Malou Escudero - Pang-masa
Unang Cabinet meeting ni Marcos umarangkada na
This photo release shows former Sen.Bongbong Marcos announcing he will run for president of the Philippines.
BBM staff / Released

MANILA, Philippines — Umarangkada na kahapon ang unang Cabinet meeting ni Pangulong Fer­dinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Palasyo ng Mala­kanyang.

Ang Cabinet meeting na isinagawa limang araw matapos ang inagurasyon ni Marcos na nagsimula, alas-9:00 ng umaga at dinaluhan ng ilang miyembro ng Gabinete.

Si Vice President Sara Duterte ang nanguna sa taimtim na panalangin at hiniling na ang lahat ng mapag-usapan ay para sa kapakanan at kapakinabangan ng mga mamamayan.

Agad na hiningi ni Marcos sa kanyang economic team ang sitwasyon ng ekonomiya ng bansa.

Partikular na tinanong ni Marcos ang kalihim ng Department of Finance, Bangko Sentral ng Pilipinas at National Economic and Development Autho­rity kaugnay sa general situation.

Ayon kay Marcos, na­kasalalay sa economic team ang central policy ng kanyang administrasyon.

Sinabi pa ng Pangulo na batid ng lahat na may namumuong krisis sa suplay ng pagkain kung kaya dapat itong agad na matugunan.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with