^

Police Metro

Duterte inaprubahan ang 10 taong validity ng lisensiya ng baril

Malou Escudero - Pang-masa
Duterte inaprubahan ang 10 taong validity ng lisensiya ng baril

MANILA, Philippines — Inaprubahan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang isang bagong batas na nagpapalawig sa validity ng lisensya ng pagdadala ng baril.

Ayon sa Republic Act 11766, sa halip na dalawang taon, tatagal na ng hanggang lima hanggang 10 taon ang license to carry firearms ng isang indibidwal.

Nakabatay ang rene­wal ng lisensya sa birthdate ng isang licensee at kung mabibigo ang licensee na makapag-renew ng lisensya ng dalawang beses ay madi-diskuwalipika na ito sa pag-aplay ng lisensya.

Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang batas noong Mayo 6, 2022 at inilabas sa media ka­makalawa.

Nakasaad sa batas na ang permit para sa pagdadala ng baril sa labas ng tahanan ay ipalalabas ng Chief ng Philippine National Police o ng kanyang kinatawan sa mga indibidwal na mapapatunayang may banta o panganib sa kanilang buhay dahil sa kanilang propesyon.

Ang mga sumusunod na indibidwal ang partikular na tinukoy sa bagong batas na maitutu­ring na may “imminent danger” dahil sa kanilang pro­pesyon o negosyo ay  mga abogado, certified public accountants, accredited media practitioners, cashiers, bank tellers, pari, ministers, rabbi, imams, physicians at nurses, engineers, mga negosyante na ang nature ng business ay maaaring maging target ng mga kriminal, elected incumbent at dating opisyal at mga active at retired military at law enforcement personnel.

vuukle comment

GUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with