^

Police Metro

Aktres na hiwalay na sa napangasawa, pakakasalan ng ex-bf na non-showbiz

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Alam mo, Salve A., hindi ko puwedeng pangunahan ang balita na may isang marriage proposal ang magaganap ngayong Lunes, April 4, sa pagitan ng isang kilalang aktres sa kanyang non-showbiz boyfriend. Ang couple ay parehong malapit sa inyong lingkod.

Ibinalita na sa amin ng non-showbiz guy ang kanyang plano sa kanyang longtime girlfriend pero hindi namin puwedeng isulat muna ang pangalan ng dalawa dahil mapi-preempt ang plano.

Pagdating sa relasyon, maraming mga pagsubok ang pinagdaanan ng dalawa na maraming taon ding nahiwalay sa isa’t isa pero muli silang pinagtagpo ng pagkakataon. Maganda ang love story ng dalawa at puwedeng pang-MMK at Magpakailanman ang kanilang kuwento.

Saludo kami sa guy dahil sa kabila ng kanyang estado sa buhay, never itong nag-asawa o nagpakasal sa iba kahit sa iba nagpakasal ang kanyang minamahal. Pero mukhang sila ang nakatadhana sa isa’t isa dahil muli silang nagkabalikan after so many years. Malaya nang muli ang aktres kaya puwede na siyang pakasalan ng kanyang partner ngayon.

Bela, gamay na sina Zanjoe at JC

First time na nagsama sa pelikung 366 sina Bela Padilla, Zanjoe Marudo at JC Santos na siyang directorial debut ng actress-writer-director na si Bela.

Although nagtambal na sina Bela at Zanjoe sa TV series na My Dear Heart, perennial screen partner naman sina Bela at JC sa pelikula tulad ng 100 Tula Para kay Stella, The Day After Valentine’s, Miracle in Cell No. 7 at iba pa.

Sa madaling salita, gamay na nila ang isa’t isa kaya sobrang nagpapasalamat si Bela na sina Zanjoe at JC ang kanyang kasama sa kanyang first directorial job na siya rin ang sumulat at lead actress.

Aminado si Bela na naging madali ang lahat para sa kanya dahil bukod sa kaibigan niya pareho sina Zanjoe at JC, kilala rin niya kung gaano kahusay sa acting ang dalawa.

vuukle comment

BELA PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with