PSG handa na sa paghahain ng COC ni Duterte
MANILA, Philippines — Sasamahan si Pangulong Rodrigo Duterte ng Presidential Security Group (PSG) sa paghahain ng kanyang certificate of candidacy (COC) para sa pagtakbo niya bilang bise presidente.
Ayon kay PSG chief Col. Randolf Cabangbang, hindi naman maaaring gawin ng Commission on Elections ang kanilang trabaho na protektahan ang Pangulo.
“He (Duterte) is still the President,” ani Cabangbang.
Magsisimula sa Oktubre 1 hanggang 8 ang paghahain ng COC kung saan inaasahang maghahain ang Pangulo na nais kumandidato sa posisyon ng bise presidente.
Sinabi pa ni Cabangbang na hindi maaaring i-apply sa Pangulo ang polisiya ng Comelec na isa lamang dapat kasama sa paghahain ng COC dahil na rin sa posisyon ni Duterte.
Ipinaalala ni Cabangbang na bagaman at ituturing na “aspirant” si Duterte ay nanatili pa rin naman ito sa kanyang kasalukuyang posisyon.
“That is for aspirants. Remember, if he will file as an aspirant, he is still the President,” ani Cabangbang.
Ipinaalala rin ni Cabangbang na trabaho nila na protektahan ang Pangulo at hindi na ito dapat problemahin ng Comelec.
- Latest