^

Police Metro

NDF matagal nang markadong terorista — Esperon

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — “Matagal nang markado ng pamahalaan ang National Democratic Front (NDF) na organisasyon ng mga terorista kasama ang Communist Terrorist Groups (CTGs) na Communist Party of the Philippines New People’s Army (CPP-NPA).

Ito ang tahasang sinabi ni National Security Adviser Sec. Hermogenes Esperon Jr., sa balitaan ng NTF-ELCAC.

Sinabi ni Esperon na matagal nang gumagalaw ang NDF at nagpapanggap na legal sa publiko, ngunit sa katotohanan sila ang nagpoprotekta sa nagiging source ng recruitments.

Ani Esperon, inamin din ni NDF founding chairman Jose Maria Sison noong April 23 sa kanilang ani­bersaryo ang mga affiliated organizations kung saan 18 dito ay underground mass organizations na nagpapatakbo ng mga front organizations.

Inamin din umano ni  Sison na plinano nilang pabagsakin ang pamahalaan sa tulong ng mga organi­sasyong tulad ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), Kilusang Mayo Uno (KMU), Alliance of Concerned Teachers (ACT), at GABRIELA.

Sinabi naman ni  Dir. Gen. Alex Monteagudo ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) na sa deklarasyon ng ATC na isa ng teroristang orga­nisasyon ang NDF kaya’t maaari nang gawin ng pamahalaan ang pagpi-freeze ng mga assets sa pamamagitan ng  Anti-Money Laundering Council (AMLC).

vuukle comment

NATIONAL DEMOCRATIC FRONT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with