^

Police Metro

‘Dirty coal’ tuldukan na!- Atimonan church

Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinangunahan ng mga lider ng Simbahan at kabataan sa bayan ng Atimonan sa Quezon, ang panawagang pagbabalik-loob sa ekolohiya at muling iginiit na tuldukan na ang patuloy na pagtatayo at paggamit ng nakasisirang ‘coal’ o karbon bilang enerhiya sa bansa.

Ang panawagan ay isinagawa sa online devotion session nitong  Holy Week na tinawag na ‘Daan ng Krus tungo sa Pagbabagong Ekolohikal (Way of the Cross towards Ecological Conversion) ng Our Lady of Angels Parish sa Atimonan, na inspirasyon sa 2019 Pastoral Letter on Ecology ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines at Pope Francis’s encyclical Laudato Si’.

Sa pahayag ni Mon­signor Noel Villareal of the Our Lady of Angels Parish muling iginiit na tuldukan na ang pagtatayo at pagpopondo sa  mga proyektong  ‘coal plants’ dahil sa panganib nitong malilikha sa climate change, at masamang impak sa kapaligiran, lalo na sa kalusugan ng sambayanan.

Batay pa sa statement, ang preserbasyon aniya ng ating ‘natural world’ at proteksyon sa karapatan ng sambayanan, ma­ging sa mga bagong henerasyon na mamuhay sa malinis na kapaligiran ay bahagi at parsela ng kanilang tungkulin bilang katiwala ng Paglikha at Lumikha.

vuukle comment

COAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with