^

Police Metro

Pamilya Dacera kakasuhan din ng 11 respondents

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos matukoy sa naging resulta ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) na walang sapat na batayan para akusahan ng rape ay maghahain ng kontra-demanda ang 11 respondents laban sa pamilya ng nasawing si Christine Dacera.

Sinabi kahapon ni Atty. Mike Santiago, abogado ng mga respondents, na plano nilang maghain ng mga reklamong perjury, maliscious prosecution, libel at incriminating innocent persons at posibleng kasuhan din ng  perjury ang mga testigo ng pamilya Dacera.

Bukod pa rito, pinag-iisipan din aniya, ng mga kliyente niya na humingi ng moral damages.

Ayon naman kay Atty. Jose Ledda III, isa sa legal counsels ng pamilya Dacera, na iginagalang nila ang anumang legal na aksiyon na gustong gawin ng mga respondents subalit kinontra niya ang akusasyon ni Atty. Santiago.

Anya, ang mga ebidensiya sa nakabinbing reklamo sa Makati Prosecutor’s Office at Department of Justice (DOJ) ay nanggaling mismo sa Philippine National Police at sa NBI, partikular sa traces ng iligal na droga at ang sinasabing ‘semen’ sa kumot na specimens isinumite ng PNP.

Magugunita na noong Biyernes ay isinampa ng NBI sa DOJ ang reklamo laban sa 11 respondents, kabilang din ang isang abogado at medico legal officer ng Southern Police District.

vuukle comment

CHRISTINE DACERA

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with