^

Police Metro

Satellite Bill pinagtibay na sa panel ng Kamara

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang panukalang batas na nagsusulong sa “Satellite Technology” na makakatulong ng malaki sa umuusbong na ‘digital economy’ na makakaabot kahit sa mga liblib na bahagi ng bansa ang nakalusot na sa panel ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sinabi ni 2nd District Albay Rep. Joey Salceda, Chairman ng House Ways and Means Committee, may-akda ng House Bill (HB) 70812 ay ipinasa na nitong linggo sa House Committee on Information and Communication Technology (ICT) bilang isa sa mga plataporma ng madali, higit na malawak at mabisang ‘internet connectivity.’

Ayon sa solon, ang ‘satellite-based internet’ ay madaling makapaghatid ng serbisyong internet sa mga hiwa-hiwalay na isla ng bansa, kagaya ng tradisyunal na ‘fiber-based systems,” kung saan iginiit nito na sad­yang kailangan ng bansa ang ‘internet connecti­vity’ para makabangon sa pagkakalugmok ng ekonomiya sa COVID- 19 pandemic.

“Habang malayo ang mga pamayanan sa malalaking isla gaya ng Luzon at Mindanao, ay malabo silang magkaroon ng ‘internet’ at umunlad, lalo na at ang mga pagkakataong umunlad ay nakabatay na sa makabagong teknolohiya sa komunikasyon,”paliwanag ng solon.

vuukle comment

KAMARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with