^

Police Metro

Mayor na nasa Duterte list, patay sa ambush

Rhoderick Beñez - Pang-masa
Mayor na nasa Duterte list, patay sa ambush
Nadatnang nakabulagta ng pulisya si Libungan, Cotabato Mayor Aming Cuan matapos pagbabarilin ng apat na suspek habang patungo ang alkalde kasama ang kanyang driver na napaslang din, sa ginagawang sabungan sa Brgy. Cabarungan ng nasabing bayan kahapon ng umaga.
Jhon Unson

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang alkalde at kanyang driver matapos tadtarin ng bala sa naganap na ambush kahapon ng umaga sa Libungan Barangay Caba­yuran, bayan ng Libungan, Cotabato.

Kinilala ang mga nasawing sina Libungan Mayor Christopher “Am­ping” Cuan, 46; at kanyang drayber na si Edwin Navarro Ihao, 36.

Batay sa ulat ng pulisya, mag-alas-11:00 ng umaga kung saan ka­ra­rating umano ni Mayor Cuan sa Libungan mula sa Davao City at dumiretso sa ginagawang bagong Libungan Cockpit Gallera sa Barangay Cabaruyan ng sundan ng isang kulay asul na SUV na may apat na sakay at doon ay pinagbabaril ang sasakyan ng alkalde gamit ang matataas na calibre ng baril tulad ng M-16 rifle base sa narekober na basyo ng bala.

Una nang tinangka noong nakalipas ng taon ang buhay ng alkalde ngunit nakaligtas ito.

Minsan na rin lumabas ang pangalan ng alkalde sa drug watchlist ni Pangulong Duterte ngunit mariin itong itinanggi ng napaslang na mayor. - Doris Franche

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with