P4.506 trilyong national budget âdi sisingitan ng âporkâ â Velasco
Sa botong 267 pabor at anim na tutol ay pormal na naaprubahan sa ikatlo at pinal na pagbasa ang General Appropriations Bill (GAB) nitong Biyernes ng gabi ang hu­ling araw ng ipinatawag na special session ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte.
Facebook Photo
P4.506 trilyong national budget ‘di sisingitan ng ‘pork’ — Velasco
Joy Cantos (Pang-masa) - October 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag ni House Speaker Lord Allan Velasco na hindi nila si­si­ngitan ng “pork” ang P4.506 trilyong national budget para sa 2021.

Sa botong 267 pabor at anim na tutol  ay pormal na naaprubahan sa ikatlo at pinal na pagbasa ang General Appropriations Bill (GAB) nitong Biyernes ng gabi ang hu­ling araw ng ipinatawag na special session ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte.

Ang Punong Eheku­tibo ay nagpatawag ng special session matapos naman ang girian sa Speakership sa pagitan ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano na napatalsik sa puwesto at ng bagong Speaker na si Velasco.

“We are making sure there is no pork in the said budget,” pahayag ni Velasco.

Kabilang sa mga ahensya ng pamahalaan na makakatanggap ng mataas na alokasyon ay ang Department of Education, P754.4-bilyon; Department of Public Works and Highways, P667.3-B; Department of the Interior and Local Government, P246.1-B; Department of Natio­nal Defense, P209.1-B; Department of Health (DOH), P203.1-B; Department of Social Welfare and Development, P171.2-B; Department of Transportation, P143.6-B; Department of Agriculture, P66.4-B; Judiciary, P43.5 bilyon at Department of Labor and Employment, P27.5-B.

Agad namang pinasalamatan at pinuri ng Malacañang ang Kamara sa pagpasa ng nasabing budget.

“We thank the House of Representatives for passing on third and final reading the 2021 Ge­neral Appropriations Bill (GAB) on time or within the special session called by President Rodrigo Roa Duterte,” pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque. - Malou Escudero

LORD ALLAN VELASCO NATIONAL BUDGET
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with