^

Police Metro

Bulacan Airport magpapaunlad sa bansa

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaprubahan ng Kamara kamakailan ang House Bill 7507 na magbibigay ng prangkisa sa San Miguel Aerocity, Inc. (SMAI), na magtatag ng ‘international airport’ sa Bulakan, Bulacan at isang ‘airport city’ sa karatig nitong lugar.

Kasama sa inapruba­hang bill ang “financial re-engineering” probisyon na binalangkas ni House Ways and Means Committee chairman, Albay Rep. Joey Sarte Salceda, na titiyak na ang 50-taong prangkisa at kontrata sa panukalang ‘New Manila International Airport’ (NMIA) ay  magiging patas at kapaki-pakinabang para sa SMAI at mga Pilipino.

Inaasahang paluluwagin ng NMIA ang karaniwang kasikipan sa Ninoy Aquino International Airport at isusulong nito ang makabuluhang pag-unlad sa Gitnang Luzon.

Layunin ng dating bill (HB 7241) na likhain ang ‘airport city and economic zone’ at magkakaloob ng prangkisa para sa ‘airport’ na bibigyan din ng maraming ‘tax exemptions.’ 

Ayon sa mambabatas, limpak-limpak ang kikitain ng Bulacan airport. Paghahatian ng SMAI at pamahalaan ang anumang kitang lampas sa 12% ng “rate of return’ nito.

vuukle comment

AIRPORT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with