^

Police Metro

Convalescent plasma ibinebenta ng COVID-19 survivors — DOH

Danilo Garcia - Pang-masa
Convalescent plasma ibinebenta ng COVID-19 survivors � DOH
Kaya’t nagbabala ang DOH sa publiko la­ban sa pagbili at pagbebenta ng convalescent plasma ng mga pasyen­teng nakarekober sa coronavirus disease o COVID-19 dahil sa ito ay maaaring magdulot ng impeksyon sa mga pas­yente na maaa­ring mailipat tulad ng HIV, hepatitis at malaria.
STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Ibinulgar ng Department of Health (DOH) na may ilang indibidwal umano ngayon ang sinasadya na mahawa ng coronavirus disease (CO­VID-19) upang magkaroon ng ‘anti-bodies’ at sa oras na guma­ling ay makapagbenta ng ‘convalescent blood plasma’ na binibili ngayon ng pamilya ng mga pasyente na dinapuan ng virus.

“The DOH emphasizes that these alleged transactions and practices are illegal, reckless and dangerous. Those individuals do not only place their lives at risk, but they also put their families and communities at risk when they voluntarily get infected,” ayon sa DOH.

Matatandaan na ginagamit ng Philippine General Hospital (PGH) ang ‘blood plasma’ sa paggagamot sa mga pasyente ng COVID-19 na kung ilang senador na rin ang nag-donate nito kabilang si Senador Sonny Angara para makatulong sa ibang pasyente na nakaratay dahil sa virus.

Kaya’t nagbabala ang DOH sa publiko la­ban sa pagbili at pagbebenta ng convalescent plasma ng mga pasyen­teng nakarekober sa coronavirus disease o COVID-19 dahil sa ito ay maaaring magdulot ng impeksyon sa mga pas­yente na maaa­ring mailipat tulad ng HIV, hepatitis at malaria.

Tanging ang Philippine Blood Center at Phi­lippine Red Cross-Port Area lamang ang sertipikado na ‘non-hospital convalescent plasma collection facilities’ habang ang Philippine Ge­neral Hospital at St. Luke’s Medical Center ang sertipikadong mga pagamutan para mangolekta nito para magamit sa kanilang internal protocols.

Bagama’t nakita ang magandang epekto nito sa mga pasyente, nilinaw ng DOH na pinag-aaralan pa ang pagiging epektibo nito. 

vuukle comment

COVID-19

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with