^

Police Metro

Cong.Yap itinalagang caretaker ng Benguet

. Gemma Garcia at Ricky Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines — Itinalaga ni House Speaker Alan Peter Ca­yetano si ACT-CIS partylist Rep. Eric Go Yap bilang caretaker ng lone district ng lalawigan ng Benguet matapos mamatay nitong Disyembre ang kanilang kongresista na si Nestor Fongwan Sr.

Kaya naman tiniyak ni Rep Yap ang kanyang matapat at mapagkakatiwalaang serbisyo kasabay ng pagtanggap sa hamon na ibinigay sa kanya bilang caretaker ng lalawigan.

Bagama’t aminadong hindi tubong Benguet, iginiit naman ni Yap na naging malaking bahagi sa kanya ang probinsya noong siya ay ahente pa lamang ng iba’t ibang produkto at nagsisimula sa kanyang karera bago maging isang matagum­pay na negosyante. 

Iginiit naman ni Yap na wala siyang balak tumakbo sa anumang political position sa Benguet at susundin lamang niya ang ibinigay na tungkulin sa kanya bilang caretaker ng Benguet.

Sa mga susunod na araw nakatakdang bisitahin ng mambabatas ang Benguet sa kauna-una­hang pagkakataon matapos itong maitalagang caretaker ng lugar.

vuukle comment

ERIC GO YAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with