^

Police Metro

Pinas kailangan ng karagdagang power supply - solon

Gemma Garcia - Pang-masa
Pinas kailangan ng karagdagang power supply - solon
Bukod sa pagtiyak sa tuluy-tuloy na serbisyo ng kuryente, kasama rin sa benepisyo ng pagkakaroon ng karagdagan pang mga power supply contracts ay ang pagkakaroon ng mga bagong kontrata kung saan mas mababa ang presyuhan nito.
Walter Bollozos/File

MANILA, Philippines — Para masabayan ang tuluy-tuloy na pagtaas ng demand sa kuryente ng bansa ay hinikayat ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ang Department of Energy (DOE) at iba pa na mga industry players na simulan na agad ang kani-kanilang bagong round ng bidding para sa karagdagang power supply contracts. 

Sinabi ni Velasco, chairman ng House Committee on Energy na kailangang-kailangan na ng bansa ang dagdag na kapasidad mula sa mga bagong planta upang hindi na maulit pa sa mga susunod na taon ang naitalang pinakamaraming beses na nagtaas ng Yellow at Red Alerts na dumalamhati sa Luzon nitong taong ito.

Bukod sa pagtiyak sa tuluy-tuloy na serbisyo ng kuryente, kasama rin sa benepisyo ng pagkakaroon ng karagdagan pang mga power supply contracts  ay ang pagkakaroon ng mga bagong kontrata kung saan mas mababa ang presyuhan nito. 

Nakahanay umano ito sa isa pang adhikain ng administrasyong Duterte na maibaba ang singil ng kuryente sa bansa.

Ang mga ito ay kasunod umano ng matagumpay na Competitive Selection Process (CSP) ng Meralco noong Setyembre na nagresulta sa pag-award ng Power Supply Agreements (PSAs) para sa kabuuang halaga ng 1,700MW na baseload at mid-merit capacity simula sa Disyembre sa taong ito.

vuukle comment

DEPARTMENT OF ENERGY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with