^

Police Metro

Grocery store hinoldap: 2 utas

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa namatay habang nilalapatan ng lunas ang isang security guard at merchandiser nang barilin sila ng limang holdaper na nagtangkang manloob sa pinagtatrabahuhan nilang grocery store, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Raymond Dag-ay, 32, security guard, ng 926 Pinagkaisa St., Brgy. Commonwealth; at Romeo Econal, 35, merchandiser, ng 10 Besang Pass Road Veterans Village, Brgy. Holy Spirit.

Sa ulat, bago naganap ang panghoholdap dakong alas-9:30 ng gabi sa loob ng Express Lane Minimart, na matatagpuan sa Kapalaran Road, Veterans Village, sa Brgy. Holy Spirit ay abala ang mga tauhan ng grocery store nang dumating ang limang lalaki na pawang armado ng mga baril.

Kaagad binaril ng mga ito si Dag-ay habang binaril din sa ulo si Econal nang tangkain nitong manlaban.

Pinuntahan ng mga suspek ang cash registrar at tinangkang buksan ngunit nabigo sila, kaya’t kaagad na lamang na tumakas sakay ng tatlong motorsiklo, habang naiwan pa ng mga ito ang dalang backpack na plano sanang paglagyan ng mga pera na makukuha nila mula sa grocery store.

vuukle comment

HOLDAPER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with