^

Police Metro

PMA cadet todas sa hazing

Joy Cantos - Pang-masa
PMA cadet todas sa hazing
Si Dormitorio, 20 ay una nang kinumpirma ng PMA na nasawi sa cardiac arrest secondary to internal hemorrhage.
File

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ni Cordillera Police Director Police Brig. Gen. Israel Ephraim Dickson base sa resulta ng autopsy examination ng Baguio City Medico Legal Officer sa bangkay ni Phi­lippine Military Academy (PMA) 4th Class Cadet Darwin Dormitorio ay lumalabas na namatay ito sa hazing.

Si Dormitorio, 20 ay una nang kinumpirma ng PMA na nasawi sa cardiac arrest secondary to internal hemorrhage.

“He suffered from internal hemorrhage in the stomach and lower abdomen”, pahayag ni Dickson base sa resulta ng pagsusuri ng kanilang mga medico legal officer.

Ayon pa kay Dickson, nagsasagawa pa sila ng pag-validate sa impormasyon na kinukuryente umano ang biktima sa isinagawang hazing dito ng kaniyang mga upper classmen.

Hinggil naman sa pagsusuka ng dugo ni Dormitorio, sinabi ng opisyal na posibleng may nabasag sa internal organs nito.

Inihayag din ng opis­yal na tatlong kadete, dalawa rito ay 3rd Class at isang 1st  Class ang kasaluku­yang restricted to custody bunga ng insidente.

Magugunita na si Dor­­mitorio ay dumaing ng matinding pananakit ng tiyan at nagsuka ng dugo bago ito natagpuang nawalan ng malaytao sa kanilang barracks sa Room 209 sa Mayo Hall Annex sa PMA noong Miyerkules dakong ala-1:00 ng madaling araw.

Isinugod ito sa PMA Hospital pero binawian ng buhay bandang alas-5:15 ng umaga nang nasabi ring araw.

Tiniyak naman ni PMA Supt. Major Gen. Ronnie Evangelista na papatawan ng kaparusahan ang mga nasa likod ng pagkamatay ni Dormitorio.

vuukle comment

HAZING

PMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with