^

Police Metro

Pharmacist at nurse timbog sa P.6-M droga

Joy Cantos - Pang-masa
Pharmacist at nurse timbog sa P.6-M droga
Sinabi ni PDEA Chief Director General Aaron Aquino unang nasakote ang suspect na si Juan Carlos Reyes Antonio, isang lisensyadong pharmacist sa Room 2212 Privato Hotel, Pasig City.
File

MANILA, Philippines — Isang pharmacist at isang nurse ang nadakip ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magkahiwalay na drug operation at nasamsam ang mahigit P 600,000.00 halaga ng shabu at party drugs sa isang hotel sa Pasig City at Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Sinabi ni PDEA Chief Director General Aaron Aquino unang nasakote ang suspect na si Juan Carlos Reyes Antonio, isang lisensyadong pharmacist sa Room 2212 Privato Hotel, Pasig City.

Nakumpiska kay Antonio ang anim na sachet ng marijuana kush na tumitimbang ng 6 gramo na nagkakahalaga ng P12,000.00; isang sachet ng pinatuyong binhi ng marijuana na nasa isang gramo na aabot sa P 3,000 ang presyo; 20 tableta ng ecstacy na may katumbas na halagang  P 40,000.00; isang kapsula ng fly high P2,500.00.

Nasamsam din ang siyam na bote, isang baso ng vial, isang plastic container ng liquid ecstasy na nasa 800 ml. na aabot sa halagang P 426,000.00; isang security bank cheque booklet, isang mobile phone, isang bote  ng sterile water at sari-saring drug paraphernalia na aabot sa kabuuang P483,500.00 ang nakum­piskang mga droga at ka­gamitan.

Dakong alas-4:20 ng ma­daling araw nang masakote ang registered nurse na si Nilo Ramirez sa Ka­muning Road, Brgy. Kamuning, Quezon City at nakumpiska ang 3 sachet ng shabu na tumitimbang ng sampung gramo at nagkakahalaga ng P102,000.00; 12 capsule ng fly high  P30K; 5 tableta ng ecstasy P10K at sari-saring drug paraphernalia.

vuukle comment

ILLEGAL NA DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with