^

Police Metro

Galing sa pamamanhikan… Truck hulog sa bangin: 3 patay, 12 malubha

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines — Malagim na trahedya ang sinapit ng 20 magkakaanak na galing sa pamamanhikan nang masawi ang tatlo sa kanila habang 12 ang malubhang nasu­gatan matapos mahulog ang sinasakyan nilang truck sa bangin makaraang mawalan ng preno sa Brgy. Codcod, San Carlos, Negros Occidental, Biyernes ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Haydee Lobrido, 55; Genalyn Trapiano, 37; at Maricel Lobrido, 37 taong gulang.

Kabilang sa mga nasugatan ay sina Jerry Lobrido, 47; Jonel Lobrido, 50; Ma. Fe Lobrido, 54; Jona Mae Lobrido, 15; Precila Amaca, 53; Garry Trapiano, 42; Jerry Mae Lobrido, 13; John Mark Lobrido, 14; at Meljohn Balbuena, 21; habang ­inaalam pa ang pagkakakinlanlan ng iba pa.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:40 ng hapon nang maganap ang trahedya sa isang pakurbadang kalsada sa naturang lugar.

Sakay umano ang nasa 20 magkakaanak ng isang Mitsubishi Canter truck na galing sa pamamanhikan sa bayan ng Calatrava nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver na si Rolanda Amaca matapos mawalan ng preno at nagdire-diretso sa bangin.

Masuwerte namang hindi nakasama sa mga naaksidente ang groom-to-be na si Weljun Balbuena dahil nagpaiwan ito sa bahay ng kanyang nobya.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with