^

Police Metro

32 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

Raymund Catindig, Victor Martin - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sugatan ang 32 katao matapos magkarambola sa daan ang tatlong sasakyan sa Sta. Maria, Isabela, kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ulat ng Sta. Maria PNP, dakong alas-8:00 ng gabi kamakalawa nang aksidenteng matumbok ng isang Toyota Fortuner na minamaneho ni Dr. Jerome Wangdali, residente ng Sta. Teresita, Iguig, Cagayan ang sinusundan na kuliglig na minamaneho naman ni Biyo Danga na residente naman ng Tuao, Cagayan.

Dahil sa lakas umano ng pagkasalpok ng Toyota Fortuner sa Kuliglig na kapwa patungong hilaga ay inokupa ng dalawang sasakyan ang dalawang linya ng kalsada.

Sakto naman na paparating ang isang Florida bus line na patungong Manila mula sa Sta. Ana, Cagayan.

Nahagip umano ng bus ang kuliglig at Fortuner na naging sanhi para sumabog ang kaliwang gulong sa harapan ng bus na naging dahilan para bumaliktad ito sa kalsada.

Agad na isinugod sa pagamutan ang 30 sakay ng Florida bus at ang driver ng kuliglig at Fortuner habang patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang aksidente.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with