^

Police Metro

4 Chinese tiklo sa P1.1 bilyong shabu sa Alabang drug raid

Ghio Ong - Pang-masa
4 Chinese tiklo sa P1.1 bilyong shabu sa Alabang drug raid
Iprinisinta ng Philippine Drug Enforcement Agency ang 4 na Chinese nationals na nadakip sa buy bust at nakumpiskahan ng 166 kilo shabu na umaabot sa P1.1 bilyon shabu sa isang bahay sa Ayala Alabang Village, Muntinlupa City.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa 166 kilo ng shabu ang nakumpiska mula sa apat na naarestong Chinese nationals sa isinagawang drug raid, kamakalawa ng gabi sa Ayala Alabang Village, Muntinlupa City.

 

Nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Muntinlupa police sa apat na Chinese nationals ang nasabing kilo ng shabu na aabot sa halagang P1.1 bilyon.

Kinilala ang apat na suspek na sina Chia Kian Kok, 43; Go Kei Kei, 40; Emmanuel Pascual, 79 at Li Zhao Yang, 19.

Batay sa ulat, dakong alas-5:00 ng hapon ay nagsagawa ng drug buy bust operation ang mga otoridad laban sa mga suspek sa parking lot ng Alabang Town Center na kung saan bumili ang mga una ng shabu na nagkakahalaga ng P2.1 milyon.

Matapos makabili ay nasundan  ng mga otoridad ang bahay ng mga suspek sa Apitong St., sa Ayala Alabang Village dito ay nadiskubre ang bulto bultong shabu na nakabalot sa mga tea bags at nakalagay sa lata ng mga biscuits.

Narekober din ng mga otoridad ang isang Honda Civic (WSB-955) na ginamit ng mga suspek nang magbenta sa mga otoridad sa nasabing mall.

Ayon kay PDEA Director Aaron Aquino, na ang nasabing packaging ay kapareho ng nasamsam din sa mga bansa tulad ng Thailand, Vietnam, Laos, Myanmar.

Malaki ang hinala nila na maaaring handa nang ideliber kinaumagahan ang nasabing mga droga kundi lang ito nasabat ng mga otoridad.

Hinala rin ni Aquino na ang mga naarestong suspek ay posibleng pawang mga miyembro ng Golden Triangle Drug Trade-isa sa pinakamalaking sindikato ng droga sa mundo. Aalamin din ni Aquino ang posibleng ugnayan ng mga naarestong suspek sa isang drug syndicate na nadakip sa Dasmariñas City, Cavite noong Pebrero.

vuukle comment

CHINESE

ILLEGAL DRUGS

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with