^

Police Metro

Imbestigasyon ng ICC dedma sa Malacañang

Rudy Andal - Philstar.com
Imbestigasyon ng ICC dedma sa Malacañang
Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa inihayag ni Fatou Bensouda na itutuloy nito ang imbestigasyon sa Pilipinas.
Photo screengrabbed from One Young World live feed

MANILA, Philippines — Kung itutuloy pa rin ng International Criminal Court (ICC) ang kanilang imbestigasyon laban kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa war on drugs ay walang maasahang na anumang kooperasyon ang pamahalaan.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa inihayag ni Fatou Bensouda na itutuloy nito ang imbestigasyon sa Pilipinas.

“My office’s independent and impartial preliminary examination into the situation in the Philippines continues,” wika ni Bensouda sa isang pahayag.

Una nang nagbanta ang Palasyo na hindi papayagang makapasok ng bansa ang sinumang ICC probers at agarang ipapa-deport ito kung ang kanilang pakay ay mag-imbestiga.

Nilinaw din ni Panelo na hindi withdrawal ang ginawa ng Pilipinas mula sa ICC dahil mula’t sapol ay hindi naman ito napasailalim sa ICC matapos mabigong maratipikahan ng Senado ang Rome Statute dahil hindi naman ito nalathala sa official gazette ng gobyerno.

Ang Pilipinas ang ikalawang bansa na umalis sa ICC kung saan ang una ay ang bansang Burundi.

Inihayag ni Panelo, ang ipinadala ng bansa sa United Nations ay isang pagpapahayag na walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas at hindi notice ng pagkalas sa kasunduan.

vuukle comment

INTERNATIONAL CRIMINAL COURT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with