^

Police Metro

Batangas ambush: 5 utas

Joy Cantos - Pang-masa
Batangas ambush: 5 utas
Sa ulat, bandang alas-4:30 ng hapon nang pagbabarilin ang tatlong biktima na sina Roger Cupo; Julian de Castro; at Mando Marasigan sa Brgy. Bolbok, Tuy, Batangas at pawang dead on arrival sa ospital.
File

MANILA, Philippines — Limang katao ang nasawi sa magkakahiwalay na pananambang sa bayan ng Tuy at Tanauan City, Batangas kamakalawa ng hapon.

Sa ulat, bandang alas-4:30 ng hapon nang pagbabarilin ang tatlong biktima na sina Roger Cupo; Julian de Castro; at Mando Marasigan sa Brgy. Bolbok, Tuy, Batangas at pawang dead on arrival sa ospital.

Ang mga biktima ay lulan ng Kawasaki tricycle na bumabagtas sa lugar at pauwi sa kanilang tahanan nang paulanan ng bala ng mga armadong lalaki na sakay ng kulay puting van.

Ang ikalawang insidente ng pamamaril ay naganap dakong alas-4:50 ng hapon nang pagbabarilin ang tatlong biktima sa Brgy. Sambat, Tanauan City na ikinasawi nina Rhandel Rivera, nagtamo ng tama ng bala sa ulo at Robemar Perez.

Nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang isa nilang kasamang babae na nakilalang si Rona Perez.

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with