^

Police Metro

Pangakong P5 milyon hindi agad naibigay... Mayor Baldo inilaglag ng hired killer

Joy Cantos - Pang-masa
Pangakong P5 milyon hindi agad naibigay... Mayor Baldo inilaglag ng hired killer
Nasa kostudya na ng pulisya ang bumaril at nakapatay kay Ako Bicol Partylist Rep. Batocabe na si Henry Guanson Yuson nang ito ay maaresto ng mga otoridad sa kanyang bahay sa Brgy. Tula-Tula Grande, Ligao City, Albay.

MANILA, Philippines — Onsehan sa ipina­ngakong P5 mil­yon para patayin si Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe ang nakikitang dahilan kung bakit bumaligtad at inilaglag ng isa sa 7 hired killer na si Emmauel Bonita Judavar at ituro si Daraga Mayor Carlwyn Baldo na utak sa krimen.

 

Ito ang nakikitang dahilan ni  Department of Interior and Local Go­vernment (DILG) Secretary Eduardo Año dahil sa hindi makapag-withdraw ng P5-M ang alkal­de sa takot na maim­bestigahan ito ng AMLC (Anti Mo­ney Laundering Council).

Bukod pa na ma­init ang mata rito ng mga otoridad sa simula pa lamang ay kasama na ang  hidwaan sa pulitika sa anggulong sinisilip ng mga imbestigador sa motibo ng krimen.

“Kasi P5 million ang kontrata pero sinabi raw nung Mayor kung ako  ang magwi-withdraw sa bangko kaagad mahahalata ako kung magkakaroon ng investigation yung AMLC kaya hindi siya nagbayad pa. Yung sa mga involved ang term nila onsehan na yun, parang nagkalimutan na”, paliwanag pa ng Kalihim na siyang dahilan kung bakit inilaglag ng lumutang na testigo ang alkalde.

Idinagdag pa ni Año na malaki rin ang nagawa ng P50-M reward para matukoy ang mastermind at maaresto saka sumuko ang mga suspek.

“Yung ating PNP intelligence group at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)  they are the best people to validate and initially identify kung sino yung tatanggap nung reward and we will give the reward because they deserve that. Ma­laking tulong sa pagsolve ng case”, ani Año kung saan instant millionaire ang masuwerteng tipster kapag nagkataon.

Sinampahan na rin ng kasong administratibo ng DILG sa Ombudsman si Mayor Baldo maliban pa sa kasong kriminal na isinampa ng pulisya.

Nakatakda na rin kan­selahin at tanggalan nang mga police security escorts si Baldo at alisan na rin ito ng kontrol  sa deputasyon ng Daraga Municipal Police Station (MPS).

Magugunita na si Batocabe ay pinagbabaril habang namamahagi ng Christmas gift sa mga senior citizens sa covered court ng Brgy. Burgos, Daraga, Albay noong Disyembre 22 na ikinasawi rin ng kanyang security escor na si SPO2 Orlando Diaz.

vuukle comment

CARLWYN BALDO

RODEL BATOCABE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with