^

Police Metro

‘Election hotspots’ tinukoy ng PNP

Gemma Garcia - Pang-masa
�Election hotspots� tinukoy ng PNP
Ito ang sinabi ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde at naglaan na sila ng karagdagang seguridad para mapaigting pa ang operasyon kasunod ng sunod-sunod na pagpatay na may kinalaman sa nalalapit na eleksyon.
File

MANILA, Philippines — Mahigpit nang minomo­nitor ng Philippine National Police habang papalapit na ang May 2019 elections ang seguridad ng “election hotspots” sa buong bansa .

Ito ang sinabi ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde at naglaan na sila ng karagdagang seguridad para mapaigting pa ang operasyon kasunod ng sunod-sunod na  pagpatay na may kinalaman sa nalalapit na eleksyon.

Bukod sa national investigation task force na ginawa nila ay ini-activate na rin nila ang Special Operations Task Group na siyang susubaybay sa police operations lalo na ang may kaugnay sa halalan.

Kabilan sa mga lugar na nasa Election Watchlist Areas (EWAS) ay ang La Union, Abra, Masbate, Zamboanga at Lanao del Sur.

Sa datos ng PNP, nasu­gatan ang isang konsehal sa Zamboanga del Sur matapos pagbabarilin ng mga armadong la­laki ang sinasakyan ni Teomila Nobleza na planong maghain ng certificate of candidacy noong Lunes.

Habang sa Placer, Masbate ay nasawi si Councilor Antonio de Ocampo at nasugatan ang kanyang anak matapos silang barilin ng nag-iisang lalaki. Si Ocampo ay plano rin tumakbo sa May 2019 elections.

Sa kasalukuyan ay nasa 72 grupo ang binabantayan ng PNP na karamihan ay nasa parte ng Mindanao.

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with