^

Police Metro

Bumaril sa pari sa Nueva Ecija, nadakip

Joy Cantos - Pang-masa
Bumaril sa pari sa Nueva Ecija, nadakip

MANILA, Philippines —  Makaraan ang halos apat na buwan, nahulog din sa kamay ng batas ang isa sa walong suspek sa pagpatay sa pari ng Nueva Ecija na si Fr. Richmond Nilo matapos masakote sa isang buy-bust operation sa bayan ng Maddela, Quirino, nitong Biyernes ng gabi.

 

Kinilala ni Police S/Supt. Gregory Bognalbal, Quirino police provincial director ang nahuling suspek na si Bernie Limpio, 35, tubong Lac­qious, Arayat, Pampangga.

Ayon kay Bognalbal, si Limpio ang itinuturong pangunahing gunman sa pagpatay kay Father Richmond Nilo habang naghahanda para sa isang misa sa loob ng isang simbahan sa Zaragoza, Nueva Ecija noong June 10, 2018.

Ang suspek ay sangkot din sa talamak na pagtutulak ng droga na ilang linggo ring sinubaybayan ng mga operatiba matapos na makatanggap ng impormasyon na nagtatago ito sa Maddela ng lalawigan.

Bandang alas -6:00 ng gabi, nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga otoridad laban sa suspek sa naturang lugar kung saan agad itong inaresto sa aktong iniaabot ang isang sachet ng shabu sa pulis na nagpanggap na buyer.

Narekober mula sa suspek ang dalawang transpa­rent sachet ng shabu, drug paraphernalia at nabawi rin ang P 1,000 buy-bust money.

Si Limpio ay pansamantalang nasa panganagalaga ng Maddela Police habang nahaharap sa kasong murder at illegal drugs. - Raymund Catindig, at ­Victor Martin-

vuukle comment

KILLER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with