^

Police Metro

2 estudyante huli sa P200-K marijuana

Danilo Garcia - Pang-masa
2 estudyante huli sa P200-K marijuana
Sa ulat, alas-11:45 kamakalawa ng tanghali nang magkasa ng operasyon ang Caloocan Station Drug Enforcement Unit matapos ang koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency sa may A. Mabini Street, Brgy. 22 target ang dalawang suspek na positibong natukoy na mga tulak ng marijuana.
File

MANILA, Philippines — Dalawang college student ang nadakip sa isang buy bust operation ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) at nakumpiska sa kanila ang P200,000 halaga ng bultu-bultong marijuana, naganap kamakalawa ng tanghali sa Caloocan City.

Ang mga naaresto ay kinilalang sina Mariel Catol, 22, binata, ng No. 112 2nd Street, 4th Avenue, Caloocan City at Wilrose Borromeo, 20, dalaga, ng No. 1295 A. Mabini Street, Brgy. 22, ng naturang lungsod.

Sa ulat, alas-11:45 kamakalawa ng tanghali nang magkasa ng operasyon ang Caloocan Station Drug Enforcement Unit matapos ang koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency sa may A. Mabini Street, Brgy. 22 target ang dalawang suspek na positibong natukoy na mga tulak ng marijuana.

Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nakabili ng isang plastic sachet ng marijuana sa mga suspek sa halagang P500.

Matapos na maiabot ang items ay dito na inaresto ang dalawang suspek ng mga nakapalibot na mga pulis at nakumpiska ang tatlong mahabang rolyo ng pinatuyong dahon ng marijuana, dalawang medium bundle at tatlong small bundle ng naturang iligal na droga na may halaga sa merkado na P200,000.

vuukle comment

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with