_pang-masa
^

Police Metro

3 drug pusher sa Maynila, dedo sa buy bust

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Napatay ng mga tauhan ng Manila Police District ang tatlong lalaki na pinaghihinalaang drug pusher matapos umanong manlaban sa isinagawang buy bust operation sa Binondo at Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Ang mga napatay na suspek ay kinilalang sina Rolando De Vera, alyas “Rolly”, nasa hustong gulang at residente ng Parola, Compound, Binondo; Becha Chino alyas Edwin; at Arthuro Flores alyas “Nonoy”, kapwa ng Pacheco sts., Tondo.

Sa unang buy bust naganap dakong alas-9:28 ng umaga sa Gate 54 ng Parola Compound ay nauwi sa barilan nang manlaban si De Vera sa mga pulis na nakapaligid at aaresto sa kanya.

Narekober kay De Vera ang 14 nsachet ng shabu at P500 marked money.

Samantala, dakong alas-2:10 ng madaling araw nang mapatay sina Chino at Flores sa operasyon sa panulukan ng Pacheco at Apolonio Sts., Tondo nang manlaban umano ang mga ito sa buy bust nang mahalata na ang dalawang lalaki na ka-transaksiyon ay mga pulis.

Nasamsam sa mga ito ang 2 kalibre 38 baril, 2 plastic sachet ng shabu at buy-bust money.

DRUG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with