AFP handang idepensa ang WPS sa China
Joy Cantos (Pang-masa) - August 24, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Defense Spokesman Arsenio Andolong na handa nilang ipagtanggol ang soberentiya ng bansa laban sa China kapag pinairal ng mga Intsik ang monopolyo sa langis at mineral na deposit  sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea ­(South China Sea ).

Pero, sinabi ni Andolong na walang nababanaag na pakikipag-giyera ang tropang militar ng Pilipinas laban sa China kaugnay ng pinagaagawang teritoryo sa nasabing lugar.

Sinabi ni Andolong na ibang usapan na ang giyera pero handa ang Defense at AFP na handa silang idepensa ang teritoryong nasasaklaw ng bansa.

Magugunita na noong Martes ng gabi sa isang speaking engagement sa Cebu ay nairitang binalaan ni Pangulong Rodrigo si Chinese President Xi Jingping na itinuturing niya itong kaibigan at hindi niya iginiit ang ruling ng United Nations Tribunal sa West PH Sea pabor sa Pilipinas pero kung magi-explore ng solo ang China sa langis at mineral deposit ay hindi siya mangingiming makipag-giyera sa nasabing bansa.

Maliban sa Pilipinas kabilang pa sa mga bansang nag-aagawan sa pag-aangkin sa West PH Sea ay ang Brunei, Malaysia,Taiwan, Vietnam kung saan ang pinakamapangahas ay ang China.

AFP SOUTH CHINA SEA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with