5 pulis sugatan sa roadside bombing
Jorge Hallare (Pang-masa) - May 7, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Limang pulis ang isinugod sa Masbate Provincial Hospital matapos na sila ay masagutan nang ma­sabugan ng bomba ang kanilang patrol car habang binabagtas ang kahabaan ng provincial road ng Brgy. Canjunday, Baleno, Masbate, kamakalawa ng umaga.

Ang mga nasugatan ay kinilalang sina Inspector Raffy Allan Palor, PO1s Josue Escalante; Nixon Jones Cid; Jomar Dela Cruz; at Chrstian Babasa, pawang miyembro ng Regional Special Operation Task Group (RSOTG).

Sa ulat ni Senior Inspector Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng PRO5 na nakabase sa Camp Gen. Simeon Ola, dakong alas-10:00 ng umaga lulan ng kanilang patrol car ang mga biktima at binabaybay ang provincial road pauwi sa Camp Bonny Serrano sa Masbate City mula sa ginawang search warrant operation sa ilang mga suspek sa bayan ng Baleno nang biglang sumabog ang isang bomba sa dinaanan ng kanilang sasakyan.

Pinaniniwalaang itinanim sa kalsada ng mga rebeldeng NPA ang IED.

Agad isinugod ng mga kasamahang pulis ang mga biktima sa ospital dahil sa mga tama ng shrapnel sa iba’t -ibang bahagi ng kanilang katawan.

ROADSIDE BOMBING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with