Batay sa imbestigasyon, dakong alas-11:15 ng gabi ay nakaupo sa harapan ng kanilang bahay ang biktima at nagpapahangin nang ito ay lapitan ng hindi pa kila­lang suspek at walang kaabog-abog na binaril sa ulo.
File
Taxi driver na may kasong murder, utas sa resbak
Mer Layson (Pang-masa) - April 16, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi sukat akalain ng isang taxi driver na ligtas na siya sa kanyang kasong pagpatay nang iatras ito ng pamilya ng biktima matapos na siya ay barilin sa ulo habang nagpapahangin sa labas ng kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Port Area, Maynila.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa ospital ay kinilalang si Romeo Esguerra, 53, residente ng Block 115 B, Baseco, Port Area, Maynila.

Batay sa imbestigasyon, dakong alas-11:15 ng gabi ay nakaupo sa harapan ng kanilang bahay ang biktima at nagpapahangin nang ito ay lapitan ng hindi pa kila­lang suspek at walang kaabog-abog na binaril sa ulo.

Lumabas agad ng bahay ang misis ng biktima na si Nimfa at dito ay nakita ang mister na duguang nakalugmok kaya isinugod sa ospital, subalit hindi na umabot ng buhay.

Isa sa anggulong sinisilip ng pulisya kung may kaugnayan sa kasong murder ng biktima na nakalaya lang matapos na iurong ang demanda ng kaanak na napatay nito.

TAXI DRIVER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with